Landfill

Lumaki ako sa Malolos, Bulacan na ngayon ay isa ng syudad. Doon ako nagkaisip at doon nagbinata.

Maipagmamalaki ko ang magandang kalikasang matatagpuan sa Bulacan, na may bansag na lalawigan ng mga bayani.

Oo, maliban sa naggagandahang kapaligiran ay marami pa ring bayaning matatagpuan sa Bulacan. At kasama rito ang mga lumalaban sa landfill ng mga Puyat sa San Jose Del Monte.

Nakakatakang isipin kung bakit nais ng mga Puyat na lagyan ng malaking basurahan ang San Jose del Monte, kung saan matatagpuan ang napakalawak na watershed ng MWSS.

Ngunit mas hindi katataka na maraming kabayan ko ang lumalaban upang tuluyang maihinto ito.

Nakakapagtaka rin kung bakit tinanguan ng konseho ng Lungsod ng San Jose Del Monte na buksan ang basurahan ng mga Puyat para sa mga basura na magmumula sa iba’t ibang munisipyo at lungsod sa Region 3 at maging sa Metro Manila. Nagawa ito ng konseho sa pamamagitan ng Resolution 2010-154-12 na pinagtibay ng noong Dec. 1, 2010.

Isa lang ang tanging nakikita kong dahilan kung bakit nagkaganito – pera.

Malaking motibasyon ang pera mula sa basura upang maipasa ang resolution na pahintulutan ang pagtatapon ng basura sa VG Puyat Engineered Sanitary Landfill na matatagpuan sa Brgy. Minuyan Proper ng San Jose Del Monte.

Mabuti na lamang at ang mga mamamayan ng San Jose del Monte ay gising sa katotohanang walang maitutumbas na salapi upang maging “Basura Capital” ang kanilang bayan.

Dahil dito, tamang magtataguyod at maghahain ng PEOPLE’S INITIATIVE ang mamamayan ng San Jose del Monte upang bawiin ang resolusyon.

Ayon sa sa Section 120 ng Local Government Code batas ang mga rehistradong botante ng isang lunan ay maaaring magsagawa ng isang legal na proseso upang mag-propose, magsabatas o kaya’y mag-amend ng ordinansa.

Sa pamamagitan ng local people’s initiative, naniniwala akong magtatagumpay ang mamamayan ng San Jose del Monte na mabalewala ang resolusyon. Oo, mahabang proseso pero dapat mamayani ang desisyon ng mga mamamayan laban sa resolusyong sisira ng kalikasan.

Sa mga kabayan ko sa San Jose del Monte, makiisa tayo sa People’s Initiative na ito upang maibasura ang resolusyon ng mga konsehal na tila nabulag sa tunay na pangangailangan ng kaniiang bayan.

Hintayin ninyo ang lupit ng mga botante sa susunod na halalan. Kayo ang susunod na ibabasura sa balota.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s