Tag-ulan sa tag-init

WEATHER ADVISORY

Weather Advisory No. 17(FINAL)
For: Easterly windflow
Issued at 11:00 a.m., 21 January 2011

The easterly windflow will bring mostly cloudy skies with scatterred rainshowers and thunderstorms over the eastern section of the country while the rest of the country will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms. 

Fishermen in Northern and Western Luzon are advised not to venture out into the sea due to big waves generated by strong to gale force northeasterly winds.

As of now, no significant weather system is expected that will bring widespread rains which may trigger flashfloods and landslides. With this development, this is the Final Advisory.

The official PAGASA Twitter acount is now activated for further information thru: @dost_pagasa.

Ito ang weather advisory sa araw na ito ng Philippine Atmospheric. Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).  Bago ito ay nabalitaan natin ang mga pagbaha sa ilang panig ng Mindanao, Visayas at maging sa Palawan.

Nagpalabas na rin ng babala ang PAGASA na dahil sa El Nina phenomenon ay makakaranas ng maiksing tag-araw at mahabang tag-ulan ang bansa.

Maaaring nabalitaan din natin ang malubhang pagbaha sa Australia na ayon sa mga eksperto ay one-in-200-hundred-year phenomenon. Kung hindi naman baha ay niyebe o snow ang nagpahirap sa buhay ng tao sa mga nasa North America. Libo-libong pasahero na sana’y magbabakasyon nitong Disyembre aang na-stranded dahil naisarado ng napakaraming snow ang mga airports, kalsada at maging ang mga seaports.

Siguro’y sariwa pa sa alaala ng maraming Pilipino ang Bagyong Ondoy na nagdala ng napakaraming ulan na naging sanhi upang sumailalim sa tubig ang napakalaking bahagi ng Metro Manila. Kasunod nito ay ang Bagyong Pepeng na nagluwal ng di pangkaraniwang pag-ulan at nagpalubog sa napakalaking bahagi ng Central Luzon.

At ngayon ay nagbabala nga ang PAGASA sa mga pag-ulan na maaaring maging sanhi ng mga landslides at mga pagbaha, na maaaring maging sanhi ng pagkakasakit.

Sa kabila nito, mas natutuwa ako na mas matagal ang tag-ulan kaysa sa tag-init. Una ay mas maganda ang klima, malamig at dahil dito ay hindi masyadong nag-iinit ang ulo ng mga tao.

Isa pa ay nagagamit ko ang aking mga long-sleeved shirts na hindi ko madalas magamit kung mainit ang panahon.

Masarap ding kumain kung malamig, lalo na kung ang ulam mo ay sinigang o kaya’y nilaga. Sa almusal, masarap ang mainit na barakong kape na ang ka-partner ay danggit o kaya’y tuyo at fried rice.

Sarap!

Buhos pa ulan!!!